Bakit si Dick Gordon?

Time to choose…

May 14, 2010.

Wait. It is not the end of Mayan Calendar nor the start of a new Ice age, but for us Filipinos it seems like it is. WHY?! PGMA’s term has finally come to an end, and after 9 years, yes 9 years! a new President will try to lead us out of poverty.

Madami satin ang nagsasabi na kay Villar ako kasi tulad ko siya, tunay na mahirap at dinaan sa sipag at tiyaga ang pag asenso. May nagsasabi naman na kay Noynoy ako, dahil galing siya sa angkan ni Ninoy at ni Cory, hindi siya magnanakaw. May makaGibo naman, sa kadahilanang galing at talino. Madaming makaGordon din dahil sa mgandang track records niya. At hinding hindi parin mawawala ang mga makaErap, dahil siguro loyal sila at naniniwala na siya pa rin ang pag asa ng mga mahihirap.

Pag nagtanong ako ng opinion ng mga nakapaligad sakin kung sino ang iboboto nila, iba iba ang sagot nila. (4 lang naman talaga ang tunay na may kakayanan na manalo ngayong darating na eleksyon – sorry kay dating pangulong Erap – aminadong si Erap ang gusto ko manalo noong 1998 election, pero ngayon e hindi na)

Manny Villar
Pero ang napansin ko lang e madaming umaalis at hindi na naniniwala kay Villar. May nagsasabi na pag siya ang nanalo e magiging malaking subdivision daw ang Pilipinas. Kung tutuusin e makaVillar din ako dati. Kasi isa ako sa nakikinabang sa Dahang Hari at ang napakasikat na C5 extension niya. Pero napaisip ako, tama ba na siya ang iboto ko dahil sa nakikinabang ako sa kanya o dapat ko bang isipin ang magiging kinabukasan ko at pati ng mga kapwa naming Pilipino?

Noynoy Aquino
Malipat naman tayo kay Noynoy. Eto naman e kakaiba lang ang naririnig ko tungkol dito, si Noynoy daw ang iboboto nila dahil sa takot lang niya madumihan ang pangalan ng Magulang niya. Teka lang, tama ba yon? Dahil lang don? E ano pa? May nabasa naman ako sa isang wall ng kaibigan ko sa Facebook(maka Gordon kasi siya). voter 1: buti nalang hindi ka makakaboto dito. kasi sayang lang ang boto pag Gordon ka. Basta ako Noynoy always yan. voter 2: hehe. Nako mas sayang kaya pag Noynoy binoto mo. as in. voter 1: y nman sobra ka c villar at noynoy lng ang nglalaban no. kaya noynoy lng ako ang lakas kaya ni noynoy d2 sa laguna.. Napansin ko lang na oo kung ako ang tatanungin, e kung sino ang mas sikat siya ang makikilala, pero batayan ba natin to kung sino ang dapat nating iboto?

Gibo Teodoro
Gibo. Galing at Talino. Tulad nga ng sinabi ni Binibing Anabelle sa kanyang Blog. Go Gibo! pero kelan mo nga ba siya nakilala? Oo nga no, natanong ko din sa sarili ko yan. Kelan nga ba? Ah alam ko na, nung nagkaron ng issue laban kay Rico Blanco at sa kanya dahil sa pag gamit ng kanta niya. Sabay madami sating nag sabi Take off na tayo guys! Sayang si Gibo, oo matalino siya pero kaya ba niyang maging Presidente ng Pilipinas?

Dick Gordon. the Internet sensation kung tawagin. Track record speaks for himself ika nga niya. Anjan ang Subic, at ang WOW! Philippines, may Pinatubo, Leyte at kung anu ano pa. May mga naglalabasang Litrato pa sa Facebook na Kay Gordon Ako. Katulad ng nangyari kay late Sen. Roco, gusto din si Gordon ng mga kabataan(buti nalang at walang commercial si Gordon ng katulad kay Enrile) pero sapat na ba to para manalo siya sa eleksyon? Ika nga ni Gordon sa isang interview, “kung sa survey lang tayo magbabatayan e itigil na natin ang election, mag survey nalang tayo, wala pang gastos” – pero kung ating titignan ang Online polls, e siya ang nangunguna. Sapat na ba ang teknolohiya upang ipalaganap ang mga nagawa ni Gordon sa Pilipinas para siya ang iboto ng mga tao?

Ikaw sino iboboto mo?
Ako? Si Gordon sana e, kaya lang hindi nga pala ako nakapagrehistro. 🙂

(sayang ang isang boto – sana ikaw tama ang mapili mo at para hindi ka maging katulad ko, ang pinagkaiba lang natin mali ang binoto mo)

Posted in Uncategorized | Leave a comment